Ayon sa Commission on Audit (COA), meron na silang ebidensya sa maanomalyang P1.508 bilyon pabahay para sa mga Yolanda victims sa Eastern Samar sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) na ipinatupad ng National Housing Authority (NHA).
Ibinunyag ng COA na P852.727 milyon ang kontratang ibinigay sa isang kontraktor na hindi na pinangalanan ng COA.
Ang kontraktor ay nagbigay lamang ng isang “List of Personnel” at “List of Equipment” noong taong 2014 na naging sanhi ng pagpapaliban-liban o pagkaantala ng nasabing proyekto.
Napag-alamang sinibak ng NHA ang siyam na kontrata sa ilalim ng Government Procurement Policy Board (GPPB) noong November 15, 2017.
Napag-alaman din na binigyan muna ng palugit na 2,671 na araw ang mga kontraktor bago ito sinibak na ang dapat sana sa simula pa lamang ay diniskuwalipika na kaagad ang mga ito.
“The said lists of manpower and equipment were not sufficient to undertake the ten projects awarded to only one contractor for the construction of 2,559 units under the YPHP,” ayon sa report ng COA.
Sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na dapat ay managot ang lahat ng sangkot sa anomalyang ito sa lalong madaling panahon.
“I welcome the COA report. All responsible persons and entities should really be made accountable to give justice to the victims of typhoon Yolanda. The massive anomalies surrounding the implementation of Yolanda housing projects are totally unacceptable and a huge insult to the victims,” dagdag pa ni Evardone.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, nakitaan din ang bayan ng Balangiga, Hernani at Quinapondan ng irigularidad sa pabahay.
Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens:
Letz G Gamboa: ang tanong sino ang head ng NHA noong 2014?...malamang yung nakulimbat jan ginamit din nong kampanya para sa 2016 election....hayyy grabee
Jonar Tejada Dillena: kung si mar o si grace poe ang nanalong presidente malabong mabuking ng COA yan.
Pauline Tejada: Mga walang puso lang ang pwedeng gumawa nyan. isipin mo, tulong nalang sa mga kababayan nating nawalan ng mga ari-arian at bahay tapos nanakawin pa ng mga hinayupak na mga kontraktor na yan. dapat ikulong lahat ng sangkot dito. wala ng hearing2x pa! kulong agad!
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- remate.ph
Loading...
Ito na ang Ebidensya | Ibinuking ng COA ang Anomalya sa P1.5B pabahay sa Yolanda victims!
Reviewed by Mesbit
on
September 12, 2018
Rating:
No comments: