SHocking! Risa Hontiveros, supalpal sa panawagan ng matapang na Pro - Duterte Kid




Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatikim ng mala – impaktong pambabanat si Anakbayan Senator Risa Hontiveros mula sa isang PRO – DUTERTE na nasa murang edad pa lamang.

Sa video na ibinahagi ng ‘Filipino Vlog’ Facebook page, inilahad ng batang babae ang saluobin nito tungkol sa binitawang salita ni Hontiveros sa mahaba nitong talumpati noong ika – 46 taong anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa EDSA nito lamang Biyernes.

Hinamon ni Hontiveros ang Pangulo na MAGTRABAHO NG MAAYOS at tigilan na ang kahibangang pag – kopya di – umano sa idolo nitong kapwa – diktador na si Marcos. Giit nito, hindi na aniya ginagampanan ng Pangulo ang papel bilang Commander – in – Chief kundi isa nang DESTABILIZER – IN – CHIEF.

Aniya, “Hinahamon natin si Presidente...na di'ba? Parang hindi na nga siya Commander in Chief eh, siya ay DESTABILIZER IN CHIEF! Iyon ang kanyang ginagampanang papel. Kaya't hinahamon natin si Presidente. Tigilin na niya ang kanyang kahibangan na DESTABILISASYON. Tigilin na niya ang kanyang kahibangang pag-kopya sa idolo niyang diktador na si Marcos. Magtrabaho naman siya para sa mamamayan noh??? Magtrabaho naman siya. Anong kwenta ang mga siga niyang salita. Kung wala namang integridad at wala namang konkretong resulta para sa mamamayan ang liderato. Ang gusto ng mamamayan ay DEMOKRASYA, HINDI DIKTADURA. “


Hinimok din ng Senadora ang mga panauhin nito na maghanda at muling labanan ang ‘bagong anyo ng Batas Militar’. Dahilan upang manawagan ang matapang na batang PRO – DUTERTE kay Hontiveros sa video at sinabihang manahimik na lamang sabay ng pag – puna sa nauna nang isyu ng pangugurakot umano ng Senadora sa pera ng PHILHEALTH.

“Mga kasama, mga ka - diwa sa simbahan, mga ka - baro...gamitin po natin ang gabing ito, bisperas ng pagka - deklara ng Batas Militar nung 1972. Upang ipunin ang ating lakas ng loob, ipunin ang ating inspirasyon at spiritwalidad. Ipunin ang ating lakas bilang mga kababaihan. Upang maghanda at maghanda muli na labanan ang isang bagong anyo ng Batas Militar,” ayon kay Hontiveros

Narito ang bukang – bibig ng batang babae sa video:

“Risa Hontiveros, sasabihin ko lang to sa'yo ng ONE TIME...SHUT UP!!! Ano sinasabi mo? Sinasabi mo na magtrabaho naman si Duterte? Eh bakit, ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya? Di'ba busy siya? Di'ba busy siya sa pag tulong sa mga nabagyo. Eh ikaw? RALLY KA NG RALLY. At ang sinasabi mo sa RALLY, puro kasinungalingan. Pinagtatakpan mo lang ang ginawa mong kasalanan, sabihin mo. Dahil ninakaw mo ang pera ng PHILHEALTH. IBALIK MO ANG PERA NG PHILHEALT!!! KORAP KA!!! MAGNANAKAW!!!”



Samantala, narito naman ang kabuo – ang talumpati ng masipag at magaling na Senadora sa EDSA:

"Magandang gabi po sa inyong lahat mga kasama. Sa kabila namumuong kadiliman, isang mainit at maliwanag na pagbati sa lahat ng mga samahan at indibidwal na natitipon dito ngayong gabi. Ngayong  gabing bisperas ng pagka deklara ng Batas Militar, 46 na taon ang nakaraan.

"Sa ating lahat na natitipon dito sa Plaza Miranda, kung saang itinatanong, KAYA MO BA'NG DEPENSAHAN 'YAN SA PLAZA MIRANDA?, at dahil sabi nila, kung kayang depensahan sa Plaza Miranda, kayang depensahan kahit saan. At dahil kaya nating depensahan ang demokrasya dito sa Plaza Miranda, kaya nating depensahan ang demokrasya kahit saan!!!

"Mga kasama, natitipon tayo dito ngayong gabi upang gunitain ang maraming naunang lumaban sa diktadura at Batas Militar, ang maraming lumaban para manumbalik ang demokratisasyon dito sa ating bayan. Nandirito tayo upang gunitain ang ating mga bayani at Martyr at muli, at muli pang magtaya sa kanilang diwang-demokratiko at malaya. At nandirito rin tayo ngayong gabi, hindi lamang upang gunitain ang nakaraan kung hindi upang ipamalas, iparamdam, at magtaya sa pagbubuo ng pinakalamalawak na pagkakaisa laban sa isang bagong diktadura, laban sa isang bagong anyo ng Batas Militar.

"Dahil sa totoo lang mga kasama, at yung mga nagsalita na ay lahat ay ganito ang babala, ang demokrasyang ating ipinaglaban noon ay muling nasa bingit ng matinding panganib. Kung hindi nga pinapatay ang ating mga kababayan sa extra - judicial killings, walang humpay na sinasalakay at pinanghihina ang ating mga demokratikong institusyon. Ang tindi ng kahirapan ng ating mga mamamayan. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, sa binubukbok nga na bigas, sa pabulusok na halaga ng Piso at sa pataas na pataas na buwis. Tayong mga kababaihan ay tuloy - tuloy na binabastos at binabawi-an ng ating dignidad. 'Di ba mga ka - baro? Mga kapatid na lalake??? At tuloy - tuloy na  halos sinusuko ang ating pambansang kasarinlan sa pag yuko at pagpapayag sa bansang Tsina sa West Philippine Sea, HINDI NA PO PUPWEDENG MAGPATULOY ANG GANITONG KALAKARAN.

"Tama na ang patayan, tama na ang pag - atake sa demokratikong institusyon, TAMA NA ANG PAMBABASTOS, tama na ang kapalpakan. Tama na ang pag suko....sa bagong panunupil, pananakot ng Tsina. Mga kasama, sabi ni Presidente, tayo daw ay mga DESTABILIZERS?? Paki - tingin nga sa mga katabi, may mga nakikita ba tayong mga DESTABILIZERS, sige na tingnan nga natin, baka naman nandito. May DESTABILIZER(S) ba tayong nakikita dito? WALA!!! AKO RIN WALA!!! Dahil ang totoo, si Presidente ang DESTABILIZER. Oo dinidestabilize niya ang ating mga demokratikong institusyon, DINIDESTABILIZE niya ang ating ekonomiya, pati presyo ng bigas at iba pang bilihin. DINIDESTABILIZE niya ang pagkakaisa na dapat buo-in sa ating sambayanan. DINIDESTABILIZE niya ang kapayapaan, DINIDESTABILIZE niya ang pagtindig natin ng may respeto sa sarili kasama ng ibang mga bansa dito sa ating rehiyon at sa buong daigdig.

"Hinahamon natin si Presidente...na di'ba? Parang hindi na nga siya Commander in Chief eh, siya ay DESTABILIZER IN CHIEF! Iyon ang kanyang ginagampanang papel. Kaya't hinahamon natin si Presidente. Tigilin na niya ang kanyang kahibangan na DESTABILISASYON. Tigilin na niya ang kanyang kahibangang pag-kopya sa idolo niyang diktador na si Marcos. Magtrabaho naman siya para sa mamamayan noh??? Magtrabaho naman siya. Anong kwenta ang mga siga niyang salita. Kung wala namang integridad at wala namang konkretong resulta para sa mamamayan ang liderato. Ang gusto ng mamamayan ay DEMOKRASYA, HINDI DIKTADURA.

"Mga kasama, mga ka - diwa sa simbahan, mga ka - baro...gamitin po natin ang gabing ito, bisperas ng pagka - deklara ng Batas Militar nung 1972. Upang ipunin ang ating lakas ng loob, ipunin ang ating inspirasyon at spiritwalidad. Ipunin ang ating lakas bilang mga kababaihan. Upang maghanda at maghanda muli na labanan ang isang bagong anyo ng Batas Militar. Upang ipaglaban parin ang demokrasya. Dahil kaya nila tayong subukang takutin, ikulong, o paslangin, Kaya nila tayong lunurin sa tsunami ng FAKE NEWS at balutin paulit - ulit ng packing tape nila ng kadiliman ang buong  bayan pero hinding - hindi nila mauupos, hindi nila masasakal at mapapatay ang ating paninindigan at pangarap ng demokrasya. Tuloy ang laban!!! Mabuhay ang sambayanan.

Panoorin ang video sa ibaba

Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


[SOURCE]- thedailysentry.net



Loading...

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of the blog. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

SHocking! Risa Hontiveros, supalpal sa panawagan ng matapang na Pro - Duterte Kid SHocking! Risa Hontiveros, supalpal sa panawagan ng matapang na Pro - Duterte Kid Reviewed by Mesbit on September 25, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.