Trillanes, gustong i-check kung nakapasa ba talaga sa bar exam si Pangulong Duterte




Sa gitna ng nagpapatuloy na ‘Word War’ nina Senator Antonio Trillanes IV at Pangulong Rodrigo Duterte, nais ipasiyasat ng bihasang Senador kung talaga daw bang nakapasa ang madlang Pangulo sa Bar Exams nito bilang Abogado.

Ito ay ipinahayag ni Trillanes sa isang press conference kaugnay parin ng pagpapawalang – bisa ng amnestiya sa Proclamation 572 na ipina-ubaya sa kanya ng dumaang Pangulong Aquino noong 2011.

Ayon sa kanya, "Ang kailangan review-hin kung nakapasa ba talaga ng bar itong si Duterte. Baka nilakad lang ito ng tatay niya kasi governor ang tatay niya noon."

Posible din daw na ‘nilakad’ lamang ng ama ng Pangulo ang mga papeles nito upang maipalabas na pasado ito sa Bar Exam.

Advertisement

"Someday papahanap natin 'yung resulta ng exam niyan baka nga talagang nilakad lang 'yan. I'm serious about it because he doesn't act like he knows the law. He flouts the law at every turn," sabi ni Trillanes.

Tila NAKAKAGULAT din di – umano na naipasa ni Tatay Digong ang naturang pagsasanay noong 1972 gayon at wala daw itong kamalay – malay ukol sa nakasaad sa 1987 Constitution na maari lamang magbigay ng amnestiya ang isang Pangulo subalit wala itong karapatang mag – revoke o bawiin ito.

"This guy is amazingly stupid. Talagang lumalabas, he can't hide it," tahasang sinabi ni Trillanes tungkol sa Pangulo sa ginanap na press conference.

Nakuha pa ng magaling na Senador na maliitin ang kakayahan ng San Beda College of Law na makapag – patapos ng mga dalubhasang katulad nito kung pagbabasehan lang naman ang talinong taglay ng Pangulo.

Aniya, "Sorry sa San Beda College of Law, but I am not impressed with your product which is Mr. Duterte."

Inakusahan din ni Trillanes si Solicitor General Jose Calida sa kasalukuyang sinapit nito na nag udyok naman mula sa pagkasangkot sa inilunsad na tangkang kudeta at mutiny noong administrasyong Arroyo.
Advertisement

Agad itong dinipensahan ng Malakanyang at sinabing bahagi ng Mandato ng opisyal na magsiyasat at gampanan ang natatanging trabaho nito kahit wala pang basbas mula sa Palasyo.         

Ayon sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, “Calida is counsel for the Republic. He inquired as part of his mandate and does not require ang sanction from the Palace.”

Tinukoy naman ng Department of National Defense (DND) na si Calida mismo ang nakipag – ugnayan sa kanila para malaman ang estado ng amnestiya kay Trillanes kung saang wala naman umanong makitang record para dito.

Ito ang naging daan upang maisakatuparan ang Proclamation No. 572 na nagpawalang – bisa sa amnestiya na ipina – ubaya kay Trillanes ng nakaraang administrasyon.


Basahin ang ilang reaksyon ng netizens sa ibaba:
Advertisement

Derick Ortiz: Anak ng pitong kuba c trillanes,,makapasa man o Hindi sa bar exam c pres Rodrigo duterte,,binoto ng taong bayan yan for president,,ikaw yung kasalanan mong rebelyon pagdusahan mo yun kc mga demonyo lang gumagawa nun...ibinuto ka ng taong bayan as a senator ang buong akala kasi ng taong bayan ay Matino ka,,yun pala may saltik ka...di ka nababagay sa senado kc makasarili ka...impakto.

Carmencita Ang: Grabe na tlga ang isip ni trillanes pati yng law school ni President nilait lait pa...desperate move ka na tlaga.D mo ba napanood ang sinabi ng President khpn pagkadating nya ng Davao.

Nere Pangilinan: Sobra n tlga itong trililing na ito lahat nalng gusto guluhin ikulong n yan!!! Dapat tlga sau makulong wala kn pakialam kung nakapasa man o hind ang pangulo ang mahalaga may puso at malasakit sa taong bayan di tulad mo pinuno ka ng mga teroristang tulad mo dapat sau mamatay na!!!!

Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- kami.com.ph



Loading...

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of the blog. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Trillanes, gustong i-check kung nakapasa ba talaga sa bar exam si Pangulong Duterte Trillanes, gustong i-check kung nakapasa ba talaga sa bar exam si Pangulong Duterte Reviewed by Mesbit on September 09, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.