College Dean Sinabon ang mga Kritiko ni Pres.Duterte-Mahilig kayo magbilang!'nag sasayang lang kayo ng oras,salapi at dunong sa ganitong paraan'



Isang dating Dean ng College of Business Administration sa Perpetual Help College of Manila ang nagbigay ng kanyang kakaibang komento patungkol sa mga kumakalaban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Joeys Gold Yong na dating Vice President ng PUP Graduate School Doctor in Business Administration Society ay may kakaibang banat sa mga kritiko ng pangulo.

Ayon sa kanya, paano nalang kung ibabalik lahat ng ginawa ng pangulo para sa bayan? Hinimok rin nya ang mga kumakalaban sa gobyerno na huwag nang maghilahang pababa, sapagkat kahit sino pa man ang pangulo, siya ay dapat igalang at suportahan.

Narito ang kanyang nakakatuwang Facebook post:

Mahilig kayo magbilang...gusto ko din magbilang abot ng maliit kong nalalaman sa nangyayari sa aking kapaligiran.

Ito ba ang Ilan sa mga ipinaglalaban natin?
1. Ibalik ang tanim bala
2. Ibalik ang Airport taxi
3. Ibalik sa drugs yung 700,000!
4. Ibalik yung 17,000 na naarestong drug pushers!
5. Singilin ulit ang mga Magsasaka para sa tubig!
6. Pabayaan ang Abu Sayaf
7. Ibalik ang kita ng mga Customs!
8. Ibalik ang shabu!
9. Ibalik ang panggagahasa at pag patay ng mga bata gawa ng mga lulong sa bawal na gamot! (Ilang pursiento ba Ng ganitong krimen ang nabawas?)
10. Say no to increased infrastructure expenses! (Hayaang walang build build build, train tax etc - ngunit gusto ng solusyon para umangat ang ekonomiya)
11. Ibalik ang mga OFW na nakauwi!
(Hayaang na lamang ang mga binansagang bayani Ng bayan - bayani sila kaya hayaan na natin sila kahit maging masahol pa sa hayop ang buhay nila sa ibang bansa)*
12. Ibalik ang magdamag na kantahan ng Karaoke! (Tambay sa kanto-inuman pa more)
13. Ibalik ang takot sa daan!
14. Ibalik ang masasamang pulis!
15. Ibalik ang pag mimina na nakakasama sa paligid!
16. Ibalik ang pag sekreto sa lahat ng gawain ng executive!
17. Ibalik ang masamang serbisyo ng pamahalaan! (Proseso ng mga papeles inaabot ng ilang araw, balikan mo nalang iha)
18. Ibalik ang mini Las Vegas Sa Bilibid!
19. Tanggalin ang 911
20. Tanggalin ang Hotline 8888 para sa kurapsyon!

Ang Makabagong Filipino na aral at nag iisip ay hindi kailangang may kinikilingang mga grupo o individual, Hindi din kailangan magsiraan at magsigawan sa mga kalye at entablado upang makita ng mundo na ang liit nanga ng bansa natin, nag-iiringan pa tayo.

Walang almusal ang pamilya sa isang Banda. Walang pambili ng gamot para kay lola. Walang ... marami pang iba. Andaming maaaring iangat - edukasyon, trabaho, negosyo, sining, kultura, dangal atbp - wag na maghilahan... sayang ang oras, salapi at dunong sa ganitong paraan.

Sino man ang ating pangulo, dilaw, pula o Kung May asul pa... ito ay igagalang at susuportahan.

Kapag nanalo kayo sa susunod na halalan, susuportahan namin at igagalang din ang inyong posisyon.

Nagmamahal
Filipino para sa Pilipinas

*20 item list mentioned here are taken from the originally 22 item list written by: Dr. Dennis Tan (2017)

*modified and re-written for a different approach by: Dr. Joeys Gold Yong (2018)

Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


[SOURCE]- Joeys Gold Yong


Loading...
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of the blog. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

College Dean Sinabon ang mga Kritiko ni Pres.Duterte-Mahilig kayo magbilang!'nag sasayang lang kayo ng oras,salapi at dunong sa ganitong paraan' College Dean Sinabon ang mga Kritiko ni Pres.Duterte-Mahilig kayo magbilang!'nag sasayang lang kayo ng oras,salapi at dunong sa ganitong paraan' Reviewed by Mesbit on October 08, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.