Risa Hontiveros hindi tatanggapin ang pag-endorso ni Pangulong Duterte 'Syempre, tingin ko d'yan ay kiss of death'



Sa halip na manalo, tiyak ni Senadora Risa Hontiveros na matatalo ang kandidato sa pagkasenador na ieendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Syempre, tingin ko d'yan ay kiss of death, hindi lang kiss of EJKs (extrajudicial killings)," sagot ni Hontiveros sa tanong kung makatutulong sa kandidato na itaas ni Duterte ang kamay.

"Of course, that is my biased opinion bilang opposition," pag-amin naman ng senadora.

Una nang inihayag ng Pangulo na ikakampanya niya ang mga gusto niyang manalo sa eleksyon sa Mayo 2019.

Ilan umano rito ay mga kasapi ng PDP-Laban, Hugpong ng Pagbabago at personal na kaibigan bagaman si dating Special Assistant to the President Christopher 'Bong' Go lamang ang kaniyang sinamahan sa Commission on Elections (Comelec).

Kumpiyansa si Hontiveros na mas lalamang ang oposisyon sa eleksyon dahil sila umano ang nagsasabi ng totoo ukol sa mga problema ng bayan at may alok din umano silang solusyon gaya ng pagpapasuspende sa buwis sa petrolyo at pagpapataas ng suweldo ng mga manggagawa.

Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


[SOURCE]- Asian Policy


Loading...
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of the blog. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Risa Hontiveros hindi tatanggapin ang pag-endorso ni Pangulong Duterte 'Syempre, tingin ko d'yan ay kiss of death' Risa Hontiveros hindi tatanggapin ang pag-endorso ni Pangulong Duterte 'Syempre, tingin ko d'yan ay kiss of death' Reviewed by Mesbit on October 19, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.