DRAMA lamang umano ang pananatili ni Senator Antonio Trillanes IV sa Senado.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, Jr., tanging ang presidente at bise presidente ang pinapayagan ng libreng board and lodging.
“Drama lang po ‘yang pag istay sa Senado. OA po ‘yan. Umuwi na kayo dahil hindi naman po tama na ang taumbayan ang nagbabayad ng inyong board and lodging diyan sa Senado,” ani Roque.
“Tanging ang presidente lang po ang may libreng board and lodging, and I think the vice president in their budget — hindi naman po kasama ang mga senador,” ani Roque.
Samantala, bumuwelta naman ang Malacañang sa naging pahayag ni Trillanes na tila ‘obsessed’ na si Pangulong Rodrigo Duterte sa senador matapos makailang ulit na mabanggit sa one on one interview nito kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo, matagal nang pangarap ni Trillanes na mapansin at ma-obsessed sa kanya ang presidente.
Sa katunayan, ayon kay Panelo, sa Israel at Jordan trip nila ay hindi nabanggit kahit isang beses ang pangalan ng mambabatas.
Kaya lamang pinatulan umano ni Pangulong Duterte ang senador ay upang matigil na ang pag-iingay ng senador.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- BULGARONLINE.COM
Loading...
Mahiya ka naman!Trillanes madrama, umuwi ka na — Palasyo | ‘SENATE HOTEL’, GASTOS NG MGA PINOY
Reviewed by Mesbit
on
September 13, 2018
Rating:
No comments:
Post a Comment