Popular blogger Thinking Pinoy once again posted a very remarkable opinion this time regarding the en banc session that is set to happen tomorrow, September 11, 2018, which will tackle the petition of embattled Sen. Antonio Trillanes IV questioning President Duterte’s Proclamation No. 572 that voided his amnesty.
This blog site, run by RJ Nieto, speculated about the possibility of Trillanes' political future and said the latter's such is seemingly dimmed.
"PARANG NAGDIDILIM NA ANG KINABUKASAN NI ANTONIO TRILLANES.", the blogger wrote.
Nieto then shared a striking news, published by the Manila Times, today, September 10, 2018, reporting that Sen. Antonio Trillanes IV will most likely be unable to get any alleviation from the Supreme Court (SC) that is set to ponder on his appeal to invalidate President Duterte's proclamation voiding the amnesty granted to the former military officer, since allegedly, four justices will be on leave this week and would not be able to go to the en banc session tomorrow.
"Ayon kay Jomar Canlas ng The Manila Times, may opisyal na lakad sina Justices Tijam, Gesmundo, at Leonen, samantalang naka-wellness leave naman si Justice Carpio, kaya't hindi makaboboto ang apat na Justices sa Supreme Court En Banc Session sa Martes, 11 Setyembre 2018.", Nieto said.
The blogger likewise named the nine (9) justices and highlighted the fact that most of them were bullied, oppressed and threatened by Trillanes of impeachment and graft case.
So the biggest problem of Trillanes now according to Nieto is, if those remaining justices, who some the senator actually intimidated before, will be in favor to sign his temporary restraining order (TRO) or not.
"Ngayon, tinakot at sinampahan na impeachment cases ng mga pinakamalalapit na alyado ni Trillanes ang lima sa siyam na mahistradong magpapasya ng TRO petition. Kung isa ako sa limang iyon, papaboran ko ba si Trillanes o hindi?", he uttered.
Here’s Thinking Pinoy’s entire Facebook post:
"PARANG NAGDIDILIM NA ANG KINABUKASAN NI ANTONIO TRILLANES"
"Ayon kay Jomar Canlas ng The Manila Times, may opisyal na lakad sina Justices Tijam, Gesmundo, at Leonen, samantalang naka-wellness leave naman si Justice Carpio, kaya't hindi makaboboto ang apat na Justices sa Supreme Court En Banc Session sa Martes, 11 Setyembre 2018.
Ngayong apat na Justices ang wala at dalawang puwesto ang bakante (isa nang maging CJ si Justice de Castro at isa pa nang maging Ombudsman si Justice Martires), sisiyam (9) lamang na Justices ang magpapasya sa petisyon ni Sen. Antonio "Sonny" Trillanes IV para sa Temporary Restraining Order laban sa Proclamation 572 ni Pang. Rody Duterte. Dineklara ni Duterte na walang bisa mula sa panimula ang amnestiya ni Trillanes sa pamamagitan ng Proclamation 572.
Ang siyam na (9) mga Justice ay sina:
1. De Castro
2. Peralta
3. Bersamin
4. A Reyes
5. Jardeleza
6. Del Castillo
7. Perlas-Bernabe
8. J Reyes
9. Caguioa
AT HETO PA:
UNA: Noong Abril 2018, Tinawag ni Trillanes na "(ang) kakapal ng mukha" ang apat sa siyam na mga Justice na 'to, pati na rin si Justice Tijam, matapos ng hindi nila pagpayag na mag-inhibit sa quo warranto case ni Sereno.
"Itong lima na ito, halos murahin na si Sereno, eh ayaw mag-inhibit. Grabe naman, kakapal ng mukha na ‘yan," ani Trillanes sa isang panayam sa DWIZ 882
IKALAWA: Noong Agosto 2018 at kasama ang dalawa pang LP congressmen, ang kapartido ni Trillanes na si Rep. Gary Alejano ay nagsampa ng mga impeachment case laban sa pitong (7) mga Justice, at lima rito ay boboto sa kanyang petisyon para sa TRO.
Mukhang pasunod ito sa banta ni Trillanes noong Marso 2018, kung saan sinabi niya sa wikang Ingles na ang paboto nang pabor sa Quo Warranto laban kay Sereno ay "maaari batayan para sa impeachment laban sa kanila, sa ilalim ng ibang administrasyon."
Tinakot pa ni Trillanes ng graft case ang mga Justice na pa-retiro na, kung sakaling hindi man sila maging saklaw ng impeachment dahil sa kanilang pagreretiro.
IKATLO: Sa isang makabagbag-daming pagpapakita ng kawalang-galang sa hudikatura noong Agosto 2018, sinabi ni Trillanes na hindi siya mapipigilanng ipatawag si SolGen Calida kahiti-TRO pa ito ng Korte Suprema.
E, HETO NA ANG PROBLEMA:
Kung perpekto lamang ang mundo, lahat ng Justices ng SC ay magpapasya batay lamang sa nilalaman ng isang kaso. Kaya lang, huwag nating kalimutan na ang mga mahistrado ay tao rin.
Ngayon, tinakot at sinampahan na impeachment cases ng mga pinakamalalapit na alyado ni Trillanes ang lima sa siyam na mahistradong magpapasya ng TRO petition. Kung isa ako sa limang iyon, papaboran ko ba si Trillanes o hindi?
Dahil siyam ang boboto sa petisyon, kakailangan ni Trillanes ng limang pabor na boto para makakuha ng TRO, kaya't kakailanganin niyang kumbinsihin ang kahit isa sa limang mahistradong tinabla niya.
Muli, kung isa ako sa limang iyon, papaboran ko ba si Trillanes o hindi? Kung isa ako roon sa lima, bakit ko ilalaglag ang apat kong kasama para lamang kay Trillanes?
Sa aking palagay, ang isyu kung bibigyan ba ng TRO o hindi si Trillanes ay mas malaki kaysa paghihiganti lamang. Kung magkakaroon ng TRO, maliban sa mabibigyan ng kaginhawahan si Trillanes ay mabibigyan pa ng pagkalehitimo ang kanyang ipinaglalaban, kung ano man yon.
Ang isang TRO ay isa ring malaking dagok sa kredibilidad ng Palasyo... at alam naman nating iniiwasan ng Mataas na Hukuman ang pakikipagbanggaan sa Ehekutibo hangga't maaari.
Ayon kay Jomar Canlas ng Manila Times, dalawa ang maaaring gawin ng Korte Suprema sa isyung ito:
1. Bigyan ito ng angkop na kurso at atasan ang mga respondent na magsumite ng komento, o,
2. Ibasura ang petisyon at hayaang ipahawak na lamang ang kaso sa Makati Regional Trial Court.
Ngayon, walang sinasabi ang [1] ukol sa kung magti-TRO ang Korte Suprema dahil maaari naman itong gawin kahit walang TRO. Suma total, problema ito para kay Trillanes dahil ang kawalang ng TRO ay nangangahulugang may kakayahan na ang mga Makati RTC na maglabas ng mga warrant of arrest.
Samantala, makalat rin ang [2].
Susuwayin ba ng isang RTC judge ang isang Proklamasyon ng Pangulo?
Mawalang-galang na sa mga RTC judge na humahawak ng kaso ngunit kailangan nating harapin ang katotohanang may pangarap ang karamihan ng mga RTC judge na umangat sa puwesto, halimbawa'y ma-destino sa Court of Appeals o sa Sandiganbayan, at ito'y posible lamang kung iluluklok sila doon ng Pangulo.
Ngayon, kakalimutan na lang ba nila ang kanilang mga pangarap para lamang sa kapakanan ni Trillanes?
Pero kung magpapasya ang mga huwes at mahistrado batay lamang sa nilalaman ng kaso ay gusto kong ipahiwatig ang aking taos-pusong paghanga sa kanilang integridad.
Pero siyempre.."
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]- Thinking Pinoy, Manila Times
Loading...
"NAGDIDILIM NA ANG KINABUKASAN NI ANTONIO TRILLANES."Thinking Pinoy
Reviewed by Mesbit
on
September 10, 2018
Rating:
No comments:
Post a Comment