Just In: Alejano kinontra ang karapatan ng Pilipinas sa UN "Walang Karapatan ang Pilipinas na Maging Bahagi ng UN Human Rights Council"
Kinontra ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang pagkakasama ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council.
"It would be ironic na magiging miyembro tayo ng isang komisyon na magtataguyod at magpapatibay ng pagrespeto ng karapatang pantao sa buong mundo, tingin ko walang karapatan ang Pilipinas na maging bahagi niyan," -Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano
Ang Pilipinas, kasama ang Bahrain, Cameroon, Somalia, Bangladesh, at Eritrea, ay kabilang sa mga bansang inihalal sa United Nations Human Rights Council noong Biyernes.
Para kay Alejano, ang pagkakahalal ay hindi isang tagumpay para sa Pilipinas dahil ito ay produkto ng walang tigil na pagtanggi ng administrasyon ng Duterte na libu-libong napatay na sa war on drugs.
"Kahit ano pa ang paliwanang ng gobyerno hindi po maide-deny na libo-libo na po ang namatay. Libo-libo na ang nabiktima ng war on drugs kahit ano pang pagpapaliwanag."
"Kita 'yan sa salaita ng Pangulo na inatake niya ang Commission on Human Rights, inatake niya ang UN High Commissioner on Huma Rights so ayaw niyang pipigilan siya. It would be ironic for the Philippines to be a member of Human Rights Commission before the United Nations," dagdag nito.
"Ang laging nag-a-attend doon si Secretary Cayetano. Lagi niyang pinapaliwanag na hindi totoo na may paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas. Hindi po makatotohanan 'yun, saang planeta ba sila nabubuhay at hindi nila alam na merong paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas,"
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]-
Loading...
Just In: Alejano kinontra ang karapatan ng Pilipinas sa UN "Walang Karapatan ang Pilipinas na Maging Bahagi ng UN Human Rights Council"
Reviewed by Mesbit
on
October 24, 2018
Rating:
No comments:
Post a Comment