NORTH COTABATO — Illegal na droga at 13 mga matatas na armas ang nakumpiska ng mga otoridad ng kanilang salakayin ang limang mga kabahayan sa loob ng compound ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST, isang state run college na pinatatakbo ng gobyerno sa Brgy. Doruloman, Arakan, North Cotabato. Ang operasiyon ay pinangunahan ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA National, director for special enforcement services Levi Ortiz alas-3:00 ng madaling araw [Jan 29]. Kabilang sa mga nasabat sa mismong Presidential Cottage ni CFCST Pres. Dr. Samson Molao ay ang M14 rifle, isang AK47rifle, dalawang calibre .45 na pistola, apat na M16 rifles at mga bala, isang carbine rifle, apat na shotgun rifles, mga magazine at isang handheld radio.
Bukod sa mga armas ay nasamsam din ng mga otoridad ang nasa 25 sako ng illegal na droga (shabu) na tinatayang nasa P17,000.00 ang street value ng bawat isang pack nito. Pansamantalang di muna pinapasok ang maraming mga estudyante ng eskwelahan dahil pinalibutan ng mga sundalo at pulis ang compound ng paaralan. Wala naman sa lugar si Dr. Molao ng isinagawa ang search warrant implementation. Subject na ng manhunt ng otoridad ang Pangulo ng CFCST. Lima naman sa mga tauhan nito ang naaresto./Dnxd RadyoBida Kidapawan
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
[SOURCE]-
Loading...
Shocking!Nilusob ng PDEAang State-run College , 25 sako ng shabu at mga armas nasakuti
Reviewed by Mesbit
on
October 26, 2018
Rating:
congrats PDEA for this big accomplishment..!
ReplyDelete