Nanawagan si Senador Antonio Trillanes sa mga kapwa senador na samahan siya sa paghiling sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumawi sa kaniyang amnestiya. Sa privilege speech kanina, sinabi ni Trillanes na bilang institusyon, dapat mabahala ang Senado sa nasabing proklamasyon dahil sinisira umano ng proklamasyon ang mga institusyon ng gobyerno. Hiniling niya sa mga kapwa senador na maging intervenor sa Korte Suprema.
Ang intervenor ay hindi partido sa kaso pero lumalahok sa isang litigasyon o kaso kapag mayroon itong legal interest sa pagkapanalo o pagkatalo ng alinman sa dalawang nagdemandahan. Samantalay sa nasabing privilege speech, nanawagan si Trillanes kay Senador Richard Gordon na chairman ng Blue Ribon Committee na buksan na ang imbestigasyon kay Solicitor General Jose Caida na inakusahan niya ng katiwalian, partikular ng conflict of interest. Ayon sa Senador, maliwanag ang anomalya ni Calida dahil nananatili itong nagmamay-ari ng security agency na nakakorner umano ng may mahigit P358.33 million pesos na mga kontrata. Pero sa panayam ngayong gabi, sinabi ni Gordon na hindi niya mapagbibigyan ngayon si Trillanes dahil tambak na ang trabaho ng Blue Ribbon. Hinimok si Trillanes na magsampa na lang ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay Calida. Sa nakalap niyang impormasyon, nakopo ng security agency ng pamilya ni Calida na Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI) ang sumusunod:
Department of Justice – P12.43 million Philippine Amusement and Gaming Corporation – P182.43 million National Electrification Administration – P17.91 million National Anti-Poverty Commission – P2.87 million National Economic and Development Authority – P6.87 million House of Representatives – P96.19 million National Parks and Development Corporation – P39.61 million
[SOURCE]- abante
Loading...
EXPOSED:Trillanes hindi na kinaya humingi ng tulong sa mga kapwa Senador.
Reviewed by Mesbit
on
October 05, 2018
Rating:
No comments: