JUST IN:Jover Laurio nanindigan at ipinaglaban si Mar Roxas sa mga naninira tungkol sa Yolanda Funds




Pilit na dinepensahan ng isang netizen mula sa kampo ng Partidong Liberal ang umano’y KATOTOHANAN sa likod ng mga paratang na patuloy na sumisira sa pangalan ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa gitna ng hangarin nitong tumakbo bilang Senador.

Sa isang post nitong huwebes, Oktubre 18, na ibinahagi sa kilalang Political Blog Site na Pinoy Ako Blog, pinanindigan ng netizen na si Jover Laurio ang tila di – makatotohanang impormasyon ukol kay Roxas kaugnay na rin sa kontrobersiyal na Yolanda Funds.

Aniya, “paulit ulit na ginamit ang Yolanda ng mga trolls para idiscredit ang LP at lalo na si Mar Roxas” lalo na noong kasagsagan ng 2016 Presidential Elections. Ang mga ‘trolls’ na kanyang pinahiwatig ay walang iba kundi ang nakararaming tiga – suporta ng ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Upang mabigyan ng sapat na kaliwanagan ang iginiit na “fake news” lamang tungkol kay Mar Roxas, inisa – isa ng may akda ang mga isyu na matagal nang inugnay sa dating opisyal na sa kasawi-ang palad ay wala nang katuturan ngayon.

Halimbawa ng aniya’y FAKE NEWS ay ang pagpapakalat umano ng tinaguri – ang mga TROLLS ng video ni Mar Roxas kung saang makikita itong nakikipagtalo sa noo’y Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa isang turnover session, dalawang araw makalipas humagupit ang super typhoon Yolanda sa naturang lugar.

Aniya, FAKE NEWS: “You have to be careful because you are a Romualdez, and the President is an Aquino. We just want to legalize this. If it’s not legalized then, OK, you’re in charge…. BAHALA KAYO SA BUHAY NIYO.”

Kung ikukumpara naman daw sa totoong sinabi ni Roxas na, “You have to understand you are a Romualdez and the President is an Aquino. He has to be very careful. The national government, we have to be very careful just taking over because the President does not want to be misconstrued na nang-aagaw ng kapangyarihan (as usurping power).”

Ayon kay Laurio, “Yung video ay spliced. Hindi pinakita ang buong usapan. Sinadyang putulin ang video para siraan si Mar Roxas.”

“Eto yung totoong usapan, eto ang buong kwento, pinapaliwanag ni Mar, kung bakit kailangan magkaroon ng resolution ang LGU para maka-take over ang national. Pero ang ginawa ng mga trolls ay pinutol nila ang video para mag imbento ng kwento,” dagdag ni Laurio

Isa lamang ito sa iba pang nabanggit ni Laurio na umano’y paninira laban sa kinakampihan nitong pambato ng Liberal Party (LP). Idinawit din nito ang umano’y FAKE NEWS kaugnay sa kinahantungan ng pondo ng Yolanda na naging madalas na bukambibig ng mga ‘trolls’.

Sa huli, nagawa pa nitong himukin ang mga mambabasa na iwasan nang MAGPA-UTO SA FAKE NEWS at pumili na ng tamang kandidatong sapat para sa umalay ng totoong serbisyo.

Aniya, “ibahin natin ang kwento ngayong 2019 na halalan.”

Sponsor

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


[SOURCE]- featurednewsph.info



Loading...

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of the blog. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

JUST IN:Jover Laurio nanindigan at ipinaglaban si Mar Roxas sa mga naninira tungkol sa Yolanda Funds JUST IN:Jover Laurio nanindigan at ipinaglaban si Mar Roxas sa mga naninira tungkol sa Yolanda Funds Reviewed by Mesbit on October 20, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.